Few years ago, I was told by my doctor that I have a meniere’s disease. Sabi ng mga doctor, wala daw lunas ito at ang tanging magagawa lang nila ay ang pagbibigay sa akin ng mga palliatives o mga gamot na magpa-overcome sa kain sa tindi ng atake. Para bang ayan, kinakain na ng virus ang laman ko, at upang di ko masyadong maramdaman ang sakit, bibigyan nila ako ng pampa-relieve. Bale, kahit nauubos na ang laman ko sa kakain ng virus (kung virus man ito – at hindi rin nila alam), hayan, kaya ko pa rin ang sakit.
In the beginning, I thought I could just make fun of my ailment dahil at that time, hindi pa sya masyadong umaatake and if there were attacks, they were slight, few, and far between. May isang beses nun inatake ako habang nagbabad sa internet. In a split second, umikot ang paligid. I thought the whole building collapsed. Only to find out na sa isip ko lang pala ang lahat nung pilaligiran na ako ng mga tao sa internet café, lahat sila ay nagtaka dahil bilang narinig nila ang malakas na “Blaggg!” at nakabulagta na lang ako sa sahig, nagkalat ang ininum kong pepsi, keyboard, mouse at rack ng computer keyboard. Buti, hindi nauntog ang ulo ko at that time. Pagkatapos nun, parang wala lang nangyari. Although there were intermittent attacks, these were not very nasty at nagagawa ko pa rin ang mga normal at professional kong gawain.
However, just lately, mejo lumala na sya at halos araw-araw na ang atake. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng computer, kaagad I can feel that my surrounding spins. Iikot talaga. What I do is go to the clinic and lie down for about an hour. Hirap akong makagawa sa simpleng trabaho. Lalo pag grabe ang atake, talagang hindi ma-identify ng utak ko kung nasaan ang ibaba o itaas na direksyon at kapag igalaw ko ang ulo ko, parang inihagis ito di alam kung anong parte ang babagsak sa lupa o kung saang direksyon ang lupa at saan ang itaas. Kasabay naman dito ang sobrang pagsusuka, dahil sa hilo at ang panghihina. Pakiwari ko pag inaatake na ako ay mas gugustuhin ko pang mamatay na. And this type of severe attack lasts from at least an hour to about 10 hours.
Minsan may isang beses ding inatake ako, nakaupo lang ako sa opisina ko nung biglang umikot ang paligid. Napakabilis na tila sumakay ako sa isang octopus ride. Ang ginawa ko, niyakap ko ang lamesa ko sabay sigaw sa pangalan ng kasama ko sa office. Mabilisan din lang, wala pang 10 seconds. Ngunti kung nagkataong nasa tubig ako, o sa mataas na lugar, baka may paglalagyan ako.
Ang pinakamatindi kong atake ay nung magbisekleta, one month into my vacation just this year (death anniversary pa naman ng nanay ko). Mabilis pa naman ang takbo ko gawa ng may hinahabol. Akala ko kasi, kaya ko. Ngunit nung malapit ko ng marating ang accommodation, biglang nagdilim ang paligid ko at ang sunod kong natandaan ay ang pag-akay sa akin ng dalawa kong kasamahan papasok ng kwarto. Dun ko na rin naramdaman ang sakit ng kaliwa kong kamay kapag iginalaw ko ito. Tumama pala ito sa bakal na poste sa may parking area namin. Kaagad, pina xray and it revealed the broken left shoulder bone. Buti nalang hindi ulo ko ang tumama. Sa lakas ng impact, siguradong may crack iyon. Tila gumuho ang mundo ko sa pangyayaring iyon. Yun bang feeling na sobrang awa mo sa sarili; na worthless na ang lahat; na sira na ang buhay at mga pangarap mo; iyon na ang katapusan ng aking pagtatrabaho abroad…
Sobrang hirap ang naranasan ko nung time na iyon. Ngunit nagpumilit pa rin akong magtrabaho dahil sa gusto ko pang i-enjoy ang buhay, na ipakita ang katatagan sa mga taong nagmamahal at umaasa sa akin, na kaya ko pang magtrabaho. Kahit na ang simlpeng bagay ng pag suot ng damit, ng medyas, ng pagsintas ng sapatos, ang pagpunta ng CR ay napakalaking sakripisyo para sa akin. At ang pinakamasakit sa lahat, ay yun bang feeling na tila nag-iisa ka lang - at nasa malayong lugar pa, napakabata mo pa, ang buong mundo ay nasa harapan mo lang na kaya mong kamtin ito… atsaka kung kailan pa nangyari ang lahat.
Pag nag-iisa, umiiyak ako. Oo, di ko ikinahiyang aminin ito. Sa labas, nakikita ng mga kasamahan kong ngumingiti ako, ginagawang biro ang lahat ng nangyari sa akin. Ngunit kapag nag-iisa nalang sa kwarto, di nila alam umiiyak, humahagulgol ako…
Ang isa lang sigurong positive aa nangyaring ito sa akin ay ang pagiging close ko sa creator ko. Yun bang feeling ng hopelessness at dahil wala ka ng magawa pa, ipagpaubaya mo nalang ang lahat sa kanya…
At nalampasan ko din ang parting iyon. Ngunit nanjan pa rin ang sakit at takot na baka biglain na naman ako ano mang oras.
Just this afternoon, nung magbukas ako ng email, heto ang nabasa ko sa isang kaibigang madre:
“Thank you very much for your greetings during the Feast of St. Francis. How are you? Hope you are getting better. Sorry I was not able to respond to your email immediately. I'm not so well Kuya. My heart is sooo heavy. It is a family problem. But I know God is always with us. My mother got an accident in the market, after attending Mass last Sept. 28. She did not notice there was a hole. She fell and dropped. Her shoulders are badly damage, the left side cracked. She can hardly move her two arms. I was there for 1week. She can't sleep because of the pain and her kidney problem is compounding to her problems too. Almost every hour I assist her up to go the bathroom. The most painful I experienced was the day when my superior called me. It was time for me to go back to the convent. I fed my mother and she asked me, “When you leave who will feed me?” Ohhh Kuya my heart was crushed. But I just told her that my cousin will come. I left her in our dining table and went out bringing my bag waiting for the bus going to the convent. Not knowingly she tried to follow me and then she fell again down our staircase. It added to her pain. But in spite in her situation she told me “Go on, attend to your obligations in the convent; God will help me”. That gave me strength. Even though it is too hard for me to leave but I had to… I'm sorry my I poured out to you.”
My tears rolled down upon reading her email. I knew how her mom went through. But there’s one lesson I learned. She was strong in saying “Go on, attend to your obligations in the convent; God will help me”.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naisip ko na kung kaya ng inay ng aking kaibigan na magpakatatag sa kabila ng kanyang edad at karamdaman, siguro naman, mas kaya ko.
Salamat sa email ng kaibigan ko. Ang inay niya ay isang inspirasyon...
Salamat sa email ng kaibigan ko. Ang inay niya ay isang inspirasyon...
No comments:
Post a Comment